Random Thoughts And Late Reactions

Wednesday, August 24, 2005

My 1st Post....

Yehey!!! sa wakas may Blog na rin ako!!! ehehehe nakiki uso lang ako sa mga peeps ko...

Anyways, ano kaya masulat dito??? ah...yun.. My name is Richard Christian Regala y Latorre. Tawagin niyo na lang akong "Roy" o di kaya "Regs". Ipinanganak ako noong November 23, 1984 sa Cardinal Santos, San Juan city!!! wwwooooowww!!!! Pinag lihi ako sa pusa kaya madali akong mapaso at mataas akong tumalon pero di kagaya ng mga pusa na nag-lalanding sa paa, nag lalanding ako sa ulo ko... uh... dati daw nung baby ako, kinalmot ako ng pusa kasi nag seselos daw siya sa akin... pet kasi yun ng mommy ko eh... bahala siya...


Nag hiwalay ang mommy at daddy ko nung nakatalikod pa ako sa kanila.. nung namalayan ko na lang, maraming aso sa paligid ko... nasa St. Ignatius village yon. tapos may dumating na lalaki na ewan ko kung sino... di ko alam, siya na pala yung magiging step father ko at ang taong magpapahirap sa buhay namin... malas kasi siya eh... kahit anung pasukin na trabaho nun, bumabagsak. Ayoko sa kanya... buwisit!!! nung limang taong gulang ako, ipinanganak ang aking kapatid na babae na nag ngangalang Karla Patricia Latorre y Daradal. tapos...hindi ko na maalala yung kasunod... ang alam ko lang, palipat lipat kami ng tirahan, nagkaroon ako ng apat na kapatid, palipat lipat ako ng tirahan, sa tunay kong tatay at sa mommy ko... at ang masasabi ko niyan, isa akong "nomad". Sa kakalipat ko ng bahay at ng ibang setting, nawalan ako ng sariling outlook sa buhay... kung baga, wala na akong sariling opinyon, gawa ito ng palipatlipat ng lugar at marahil ng kultura.... kaya kahit anong bagay na dumating, gaano man kasakit ko kasama, para sa akin, ok lang yun... sus...


aahh... eto nga pala yung School history ko...


Prep : God's Little Children
Grade1 - 2 : Holy Angels Montessori School (HAMS)
Grade 3 - 5: St. Joseph Educational Center (SJEC)
Grade 6 - 4th yr HS : Lourdes School Of Mandaluyong (LSM)


dati, mahilig ako sa mga boybands tulad ng backstreet boys at yung mga spice girls. Dati tanga pa ako nun eh... hilig kong mag sasasayaw ekk ekk.... puta, kungmakita ko lang yung dati kong sarili, marahil binugbog ko na yun...


Ngayon, mahilig ako sa mga rock music... basta kahit ano na maganda sa tenga ko... Ayoko ng Linkin Park at ng Lim Biskit kasi nakukupalan ako sa mga tugtog nung mga yon... masyado silang feeling... yung Korn, dati gusto ko sila pero yung tugtog nila ngayon, mukha silang ewan....


May banda mga pala ako... basta yun....


Mahilig ako sa Drummania... June 25, 2005 ako nagsimula... at ang masasabi ko sa sarili ko... masyasdo akong bano... buti pa yung Guitar Freaks, una kong sabak diyan nung August 9, 2005. Lahat S!!1 nyahahaha!! per ayoko nun... masyadong madali... buti pa yung drummania... kahit nag mumukha akong tanga, masaya pa rin laruin... Mahilig din ako sda Tekken. Sino gusto ng challenge? Pero isang character lang yung master ko dun eh... si Mokujin ehehehehhehehehe!!!!


Uh... ano paba....??? ah.. yung schedule ko nga pala...

Tuwing Mondays and Fridays, pasok ko mga 4:30 p.m. at uwian ko mga 8:30 na. Di ko na naaabutan yung mga malls na bukas...

Tuwing Tuesdays naman at Thursday,wala akong pasok. Kaya nasa bahay lang ako, pero sa panahong ito, may gig kasi kami eh, kaya sa bahay ni KR na lang kami nag jajam.

Tuwing Wednesdays naman, pasok ko mga 4:30 pm. Uwian 6pm.

Tuwing Sabado, 9am - 6pm yung klase ko, isang subject lang yun... At tuwing sabado, may EB ang GC!!!

Tuwing Linggo naman, wala din akong pasok... minsan kung topakin ako, pumupunta ako sa SM NORTH. un lang...


Kung gusto niyo akong yayain, yung cel no ko. 09159325107


Tapos yung ano...